
Ininspeksyon ngayong araw ni Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) acting Director PCOL. Hansel Marantan ang seguridad sa San Juan Cemetery.
Ayon sa kanya, nasiyahan siya sa naging deployment ng National Capital Region Special Operation Unit dahil tama ang nakaset up na security measures lalo na sa mga terminals at sa mga sasakyang pangbyahe.
Chineck nila ang plaka at isinukat din nila ang hangin ng mga gulong pati na rin kung kailan ito pinroduce kung saan dapat ito ay mapalitan matapos ang apat na taon para makaiwas sa aksidente sa kalsada.
Ayon pa sa kanya, nag-deploy na rin ang ahensya ng halos 400 na uniformed personnel at secret marshall na ipinakalat sa mga terminal ng bus.
Bago pa rito ay nag-inspekyon na siya sa mga bus terminals sa Quezon City at inaasahan na magsasagawa rin sya sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong araw.
As of 11 am, nasa mahigit 1,700 na ang nakadalaw sa sementeryo.









