HPG, nag-deploy ng mahigit 1,500 mga personnel para sa Undas 2025

Sa pulong pambalitaan sa Kampo Krame, sinabi ni Highway Patrol Group (HPG) Public Information Office Chief Police Lieutenant Nadame Malang na nakahanda na simula kahapon ang deployment ng mga HPG personnels hanggang Nobyembre 4 para sa Undas 2025.

Ayon sa kanya, nagtalaga na ang ahensya sa 141 na sementeryo at columbarium nang hindi bababa sa 3 hanggang 4 na HPG patrollers kung saan ito ay may kabuuang hindi bababa sa 375 na mga personnel.

Bukod dito, naglagay na din sa mga 97 na lokasyon ng mga major thoroughfares nang hindi bababa sa 268 na HPG patrollers.

Samantala, hindi bababa sa 235 na mga hpg personnels ang nilagay ng ahensya sa mahigit kumulang na 91 na bus terminals sa buong bansa.

Ang natitirang 800 plus naman dito ay magpapatuloy na tatao sa mga checkpoints at sa law enforcement operations.

Nagpaalala naman ang HPG sa publiko na magdadala ng kani-kanilang mga sasakyan na kailangan ito ay nasa kondisyon, nakarehistro at ang publiko ay dapat nasa wastong pag-iisip at maayos na kalusugan para sa ligtas at maayos na paglalakbay.

Facebook Comments