HTAC, kinalampag dahil sa umano’y mala usad pagong na pag-apruba sa pagtuturok ng booster dose sa lahat ng mga batang edad 12 hanggang 17 taong gulang

Dismayado si Presidential Adviser on Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion sa Health Technology Assessment Council o HTAC.

Ito ay dahil sa mabagal na pag-apruba nito sa lahat ng edad 12 hanggang 17 taong gulang na maturukan ng booster dose.

Ayon kay Concepcion, kung ihahambing sa Central Disease Control ng Estados Unidos ang sitwasyon dito sa Pilipinas ay sadyang magkaibang-magkaiba dahil sa kupad na makapag-apruba ng HTAC para mabakunahan na ng booster ang nabanggit na age group.


Sa ngayon kasi tanging mga immunocompromised pa lamang na edad 12 hanggang 17 ang may go signal para makapagpa-booster dose.

Kasunod nito, umaapela si Concepcion sa HTAC na bilisan ang proseso dahil nananatili parin ang banta ng COVID-19 at marapat lamang na bigyan ang lahat ng eligible population ng karagdagang proteksyon laban sa virus.

Una nang inihirit ng kalihim sa HTAC na ibaba narin sa 50yrs old ang maaaring bigyan ng 2nd booster shot sa halip na 60yrs old pataas.

Facebook Comments