Quiapo Church, muling dinagsa ng mga deboto; health protocols sa Golden Mosque, mahigpit na ipinapairal

Dinagsa ng mga deboto ang misa sa huling Biyernes ng buwan ng Hulyo sa Quiapo Church.

Madaling araw pa lamang hanggang kaninang umaga ay matiyagang pumipila ang mga deboto para magkaroon ng pagkakataon na makapasok sa simbahan.

Nabatid na nasa 50 hanggang 70 deboto ang pinapayagan pumasok sa simbahan matapos ang misa at binibigyan sila ng 15 minuto para magdasal.


 

Bukod sa mga pulis na nagbabantay sa seguridad, tumutulong din ang ilang mga Hijos del Nazareno Central para panatilihin ang physical distancing.

Samantala, mahigpit naman pinapatupad ang health protocols para sa mga kapatid nating Muslim sa may Golden Mosque sa paggunita ng Eid Al-Adha ngayong araw.

Ilan sa mga pinapatupad na health protocols ay ang pagsusuot ng face mask, pagpapairal ng physical distancing at ang mga bata ay hindi pinapayagang pumasok sa loob ng Golden Mosque sa Quiapo, Maynila.

May mga tauhan din ng Mosque na umiikot at sumisita sa mga lumalabag sa social distancing.

Facebook Comments