Sinuspinde ng Google ang access ng Huawei Technologies Co Ltd matapos isama ng U.S. Commerce Department sa kanilang Entity List o trade blacklist ang telecommunication company.
Ang executive order na ito ay pinirmahan ni United States President Donald Trump.
Nawala sa kumpanya ang access na mag-updates sa Android operating system at maging sa mga susunod na version sa smartphones sa labas ng China kabilang na ang Google Play Store at Gmail app.
Dahil sa nangyari sa Huawei, hindi na ito maaaring bumili ng anumang parts at components mula sa U.S. companies na hindi aprubado ng U.S. government – kasama na ang Android.
Samantala, naglabas ng pahayag ang pamunuan ng Google tungkol sa naging desisyon.
Ayon sa Google, magagamit at maidodownload pa din ng mga Huawei users ang kanilang mga apps.
“We are complying with the order and reviewing the implications. For users of our services, Google Play and the security protections from Google Play Protect will continue to function on existing Huawei devices.”
For Huawei users’ questions regarding our steps to comply w/ the recent US government actions: We assure you while we are complying with all US gov’t requirements, services like Google Play & security from Google Play Protect will keep functioning on your existing Huawei device.
— Android (@Android) May 20, 2019
Inaasahang malaki ang magiging epekto ng nasabing desisyon sa hinaharap ng Huawei sa buong mundo.
Ganito rin ang nangyari sa ZTE noon pero naibalik din makaraan ang ilang taon.
Facebook Comments