Wala pang natatanggap na pabatid ang Huawei Philippines mula sa gobyerno ng Pilipinas sa pag ban sa mga equipment at services nito dahil sa sinasabing security threat.
Sa Pandesal Forum sa QC, sinabi ni Karrie Buenafe ng Huawei Philippines na welcome sa kanila ang posisyon ng DICT na antayin muna na ng kongkretong patunay ng US sa isyu ng cyber security bago ito makapagpalabas ng hakbang.
Aniya, bukas ang Huawei na ipa inspeksyon sa AFP ang kanilang mga factory para masuri ang kanilang mga software para patunayan na hindi sila banta sa cybersecurity katulad ng pinapalabas ng US.
Duda naman ang IT expert na si Art Samaniego na may kakayahan ang AFP na gawin ito dahil minsan na ring na hack mismo ang data base nito.
Idinagdag ni Buenafe na libo-libong manggagawang Pilipino ang nanganganib na mawalan ng hanapbuhay sa sandaling magkaroon ng ban sa Pilipinas.
Sa ngayon ayon pa kay Buenafe, maganda ang traction ng market ng Huawei dahil nasa 20 to 80 percent ang kabuuang market nito sa kanilang produkto.