Hubad na babae, lalaki sa US natagpuang patay sa loob ng sasakyan sa isang garahe

(Christopher Sadowski)

Natagpuang patay ang isang hubad na lalaki’t babae sa loob ng isang truck sa isang garahe sa Brooklyn, New York City.

Ayon sa nobya ng lalaki, hinahanap niya noon ang kasintahan dahil ilang araw na umano itong hindi nagpaparamdam.

Hanggang sa madiskubre niya itong nasa loob ng sasakyan sa isang garahe kasama ang babae.


Sa report ng pulisya, wala umanong sinyales ng trauma sa 59-anyos na babae at 52-anyos na lalaki.

Posible raw na namatay ang dalawa mula sa lasong nakuha sa carbon monoxide ngunit ayon sa medical examiners, patuloy pa nilang inaalam ang tunay na dahilan ng kanilang pagkasawi.

Facebook Comments