Hudikatura, nagpaliwanag sa Kamara kaugnay sa pagtataas ng singil sa Bar exam registration ngayong taon

Nagpaliwanag si Court Adminsitrator Midas Marquez sa Kamara, kaugnay sa pagtataas ng singil sa Bar exam registration fee ngayong taon.

Sa ginanap na budget briefing ng Judiciary sa House Committee on Appropriations, nakwestyon ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro kung bakit mula sa dating P4,500 na fee para sa Bar exam registration ay pumalo na ito sa P10,000 ngayong taon.

Paliwanag ni Marquez, dahil sa pandemya ay pinaghahandaan ang mga equipment na gagamitin para sa digitized na Bar exams ngayong 2021.


Tinukoy ni Marquez na ang pinakamahal sa gastusin ay ang license fee para sa software na gagamitin para sa digitize Bar exams.

Magtatagal hanggang sa Setyembre 15 ang paghahain ng application para sa Online 2021 Bar exams, na isasagawa ng nasa 20 testing sites.

Facebook Comments