Hudikatura, paglalaanan ng halos P68-B na pondo para sa 2026

Aabot sa halos P68 billion ang planong ilaang pondo sa hudikatura sa ilalim ng panukalang 2026 national budget.

Batay sa President’s Budget Message, P43.6-B mula sa P67.9-B ang nakalaan para sa Department of Justice.

Sa ilalim ng National Expenditure Program, P32.4-B ang magiging budget ng Korte Suprema sa susunod na taon.

P1.6-B para sa Court of Appeals, P710 million sa Sandiganbayan at P306 million sa Court of Tax Appeals.

May dagdag naman na P5.2 billion para sa modernisasyon at mas transparent na proseso ng korte.

Habang may P2.7-B para sa konstruksyon, pag-aayos, at pagpapagawa ng mga Hall of Justice sa buong bansa, kasama ang bagong Manila Hall of Justice.

Layunin ng mga programang ito na gawing mas mabilis, patas, at makatao ang hustisya para sa bawat Pilipino.

Facebook Comments