Sa layuning makatulong na mapanatili ang magandang kalusugan lalo na sa mga kabataan, nagsagawa ng “Hugas Kamay” Program ang Radio Mindanao Network sa Cotabato City.
Ang programa ay para makaiwas sa anu mang uri ng karamdaman kabilang na ang simpleng ubo, sipon , trangkaso at kasabay na rin ng banta ng NOVID 19 ngayong panahon ayon pa kay RMN Cotabato-DXMY Manager Erwin Cabilbigan.
Kaugnay nito, tinatayang abot sa isang libong mga indibidwal ang nakiisa sa naging adbokasiya ng DXMY, kinabibilangan ito ng mga mag-aaral, mga guro, mga manggagawa sa pribado at pampublikong tanggapan.
Naging katuwang ng DXMY sa kampanyang ito ang Shield Bathsoap na may “24 Hour Germ Protection” dagdag naman ni Manager Cabilbigan.
Bukod sa “Hugas Kamay” nagpapatuloy parin ang “Libreng Sakay” ng DXMY.
Bagaman maituturing na napakaliit na bagay, hindi naman maisalarawan ang kasiyahan ni Manager Cabilbigan at RMN Cotabato Staff sa tuwing nagpapasalamat ang nakabiyaya sa mga naging inisyatiba ng himpilan.