Manila, Philippines – Hugas-kamay ang Food and Drug Administration (FDA) sa pagkakaapruba sa registration ng Sanofi para sa distribution ng Dengvaxia.
Giit ni Iloilo Rep. Ferjenel Biron, hindi nga rehistrado sa European FDA ang Dengvaxia kaya walang dahilan na naipamahagi ito sa bansa.
Pero paglilinaw dito ni FDA OIC Director Maria Lourdes Santiago, na-satisfy naman ng Sanofi ang requirements bago ang registration kaya binigyan ng FDA ng clearance ang Sanofi.
Inaprubahan din ang registration sa Dengvaxia base na rin sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) at ng International Council for Harmonization of Technical Requirements for Pharmaceuticals for Human Use.
Todo-depensa naman si Asia Pacific Head for Sanofi Pasteur na si Thomas Triomphe na agad naman nilang ibinahagi sa bansa ang epekto ng Dengvaxia matapos lumabas ang resulta ng mga mag-aaral noong November 2017.