Hugpong Ng pagbabago ni Inday Sarah Magraratsada sa CamSur

52

Naka-schedule na magkampanya ditto sa Camarines Sur ang Hugpong ng Pagbabago senatorial line-up sa darating na Meyerkoles March 13.
Ang kampanya ay pangungunahan mismo ni Presidential daughter Sara Duterte na tumatayong campaign manager ng Hugpong ng Pagbabago senatorial line-up.
Magugunitang naging kontrobersiyal ang nasabing anak ni Pangulong Duterte kaugnay ng mga patutsada nito sa grupo ng Otso Diretso. Ang Otso Deretso ay kinabibilangan naman ng senatorial line-up ng oposisyon na ikinakampanya naman ni Vice President Leni Robredo.
Ayon sa impormasyon, may mga hiwalay na aktibidad ang grupo sa Libmaman at sa Capitol Complex sa bayan ng Pili.
Samantala, abala naman sa pagkampanya para sa Otso Deretso si VP Leni Robredo.
Sa panayam ng RMN DWNX Naga kamakailan, binigyang-diin ni VP Leni na pagbubuhusan niya ng kanyang panahon at enerhiya ang pagkampanya sa nasabing grupo sa buong bansa.

Facebook Comments