HUHULIHIN | NFA, nagbabala sa mga gagamit ng mga pekeng import permits

Manila, Philippines – Dahil sa sunod-sunod na pagkakasabat sa Bureau of Customs ng mga puslit na bigas gamit ang mga pekeng import permits, nangako ang National Food Authority na lalansagin ang indibidwal at grupo na na gumagamit ng pekeng import permit.

Ayon kay NFA administrator Jason Aquino, hindi malayo na naibebenta ang import permit sa bigas na iniisyu ng ahensya sa ilalim ng Minimum Access Volume import scheme.

Sinabi ni Aquino na natuklasan nila na pineke ang tatlong imports permit na nabuking ng Philippine International Trading Corporation.


Tiniyak ni Aquino na kakaharapin ng mga magpapatunayang sangkot sa matiwaling aktibidad ang buong bagsik ng batas.

Facebook Comments