HUHULIHIN PA RIN | Mga lider at consultant ng CPP-NPA-NDFP na may warrant of arrest, aarestuhin pa rin

Manila, Phillipines – Aarestuhin pa rin ng mga otoridad ang mga lider at consultant ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na may warrant of arrest.

Kasunod ito ng naunsyaming pagsisimula muli ng peacetalks ng gobyerno at komunistang grupo.

Ayon kay Presidental Adviser on the peace Process Secretary Jesus Dureza, hindi tumitigil ang operasyon ng PNP at AFP para hanapin ang mga rebelde sa kabila ng umiiral na back channeling talks.


Samantala, bukas ay pupunta sa Norway ang mga kinatawan ng government peace panel para ipaliwanag sa NDF ang nabagong timeline ng resumption ng peace talks.

Facebook Comments