
Nagsagawa ng Bilater Airdrop exercise at Humanitarian Airlift operations ang Philippine Air Force (PAF) at ang Japan Air Self-Defense Force (JASDF) sa Tacloban City.
Ang nasabing pagsasanay ay parte ng Doshin – Bayanihan 05-25, isang pinagsamang training exercise sa pagitan ng dalawang nasabing bansa.
Sa isinagawang Low-Cost, Low-Altitude (LCLA), ang airdrop operation exercise ay kasama ng deployment ng dalawang bansa at ang C-130 aircraft, ni-release ang kargang training cargo sa Tacloban City para ipakita ang tamang airdrop techniques, pagpapalit ng gamit, at ang mabilis na pagresponde sa panahon ng kalamidad.
Samantala, ang pagsasanay sana sa airlift operation ay naging makakatotohanan dahil lulan ng C-130 ang mahigit walong daang kahon ng inuming tubig na dinala sa Lapu-lapu City para suportahan ang patuloy na isinasagawang humanitarian assistance sa Cebu.
Ang nasabing kooperasyon ng dalawang bansa ay nagpapatunay sa isang hangarin na makapaghatid ng life-saving aid at kahandaan sa paparating na kalamidad.









