Hukom na hindi nag-inhibit sa kasong kinasasangkutan ng mister, kinastigo ng Korte Suprema

Sinibak ng Korte Suprema sa puwesto ang isang huwes dahil sa hindi nito pag-inhibit sa kasong kinasasangkutan ng kanyang asawa.

Hindi rin makakatanggap ng retirement benefits si Judge Analie C. Aldea-Arocena ng Municipal Trial Court Cities (MTCC) ng San Jose City, Nueva Ecjia.

Ipinag-utos na rin ng kataas-taasang hukuman ang perpetual disqualification mula sa public service laban kay Arocena dahil sa paglabag sa Sections 5(g), Canon 3 at Sections 1 at 4, Canon 4 ng 2004 Rules of Judicial Conduct at dahil na rin sa gross ignorance of the law.


Pinagmumulta rin ng korte ang huwes ng P30,000 dahil sa paglabag sa Section 1, Rule 137 ng Rules of Court.

Nag-ugat ang kaso sa anonymous complaint laban kay Judge Arocena na inihain sa opisina ni Deputy Court Administrator Jenny Lind R. Aldecoa-Delorino noong July 3, 2014.

Nakasaad sa reklamong dininig at dinesisyunan ni Arocena ang kasong kinasasangkutan ng kanyang asawang si Ferdinand na miyembro ng board of directors’ ng isang kooperatiba.

Inireklamo rin ang huwes dahil sa hindi magandang pagtrato sa mga defendants at hindi rin kumuha ng travel authority mula sa korte noong March 2009 nang siya ay bumiyahe sa ibang bansa.

 

Facebook Comments