Hukom na may hawak sa kaso ng pagdukot at pagpatay kay Jee Ick Joo, tuluyan nang nag-inhibit

Tuluyan nang nag-inhibit sa kaso ang hukom na naglilitis sa pagdukot at pagpatay kay Korean businessman Jee Ick Joo.

Kasabay ng kanyang pag-inhibit, ipinag-utos din ni Angeles City Branch 56 Presiding Judge Irin Zenaida Buan ang pagturn-over ng mga record ng kaso sa Office of the Clerk of Court ng Angeles City RTC.

Ang hakbang ni Judge Buan ay kasunod ng paghahain ng second motion for inhibition ng prosekusyon na sinegundahan ng kampo ng mga akusadong sina SPO3 Ricky Sta. Isabel at Jerry Omlang.


Ayon kay Judge Buan, magiging counterproductive na kung itutuloy pa niya ang paglilitis sa kaso dahil sa  paniniwala ng prosekusyon at ng kampo ng dalawang akusado na hindi siya patas.

Facebook Comments