Hukom na nagbasura ng drug cases ni ex-Sen. Leila de Lima, itinalagang Associate Justice sa Sandiganbayan

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng dalawang bagong mahistrado sa Sandiganbayan.

Isa sa mga iniluklok ng pangulo ay si Presiding Judge Gener Gito ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206, bilang bagong Associate Justice ng Sandiganbayan.

Si Gito ang may hawak at nagbasura sa mga drug cases ni dating Sen. Leila de Lima.


Siya rin ay asawa ni Court of Appeals (CA) Associate Justice Emily San Gaspar-Gito at nagtuturo sa University of Santo Tomas Law School.

Bukod dito, itinalaga rin ni Pangulong Marcos si Presiding Judge Jay Miguel ng Mandaluyong RTC Branch 281 bilang bagong mahistrado rin ng anti-graft court.

Papalitan ni Gito si Associate Justice Oscar Herrera habang si Associate Justice Efren dela Cruz naman ang papalitan ni Miguel.

Facebook Comments