Hukom na nagpalabas ng warrant of arrest vs. Albuera Mayor Roland Espinosa, inirekumendang kasuhan ng DOJ

Manila, Philippines – Inirekumenda ng Department of Justice na masampahan ng reklamong administratibo ang hukom sa Samar na nag-isyu ng search warrant sa kulungan nina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at ng isa pang bilanggo na si Raul Yap.

 

Sina Espinosa at Yap ay nakakulong sa Leyte Sub-Provincial Jail at napatay sa ginawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group Region 8 noong November 5, 2016.

 

Sa 24-pahinang resolusyon ng DOJ inirekumendang maipagharap ng administrative complaint si Judge Tarcelo Sabare, Executive Judge ng Basey Samar Regional Trial Court.

 

Kaugnay nito, bibigyan ng kopya ng resolusyon ang Office of the Court Administrator para sa kaukulang hakbang na gagawin sa nasabing hukom.

 

Matatandaan na ang search warrant na nakuha ng grupo ni Supt. Marvin Marcos, ang namumuno ng CIDG Region 8, ang ginamit na batayan para mapasok nila ang Leyte Sub Provincial Jail dahil sa impormasyon na nagtatago umano ng baril at iligal na droga sa loob ng kani-kanilang selda sina Espinosa at Yap.

Facebook Comments