Humiling ang Dept. of Interior and Local Government (DILG) sa Korte Suprema na imbestigahan ang hukom na nanigaw at nanlait sa mga tauhan ng Baguio City Police na palayain ang isang suspek na nasa kanilang kustodiya.
Ang tinutukoy ng DILG ay si Baguio City Judge Roberto Mabalot, na nag-utos na palayain ang isang lasing na taxi driver na kumakaladkad kay Patrolman Julius walang nitong December 31.
Si walang ang nakikita sa viral video kung saan nakakapit siya sa hood ng taxi na minamaneho ni Jone Dominguez Buclay na nagtangkang tumakas dahil sa traffic violation.
Agad namang nahuli ang taxi driver at idinala sa Baguio City Police Station ay sasampahan ng Direct Assault, Driving Under Influence of Alcohol, Resisting Arrest, Grave Threat at Oral Defamation.
Pero dumating sa himpilang ng pulsiya ang si Judge Mabalot at pinagsisigawan ang mga pulis at umalis kasama ang taxi driver.
Ayon kay Año, hindi dapat kinukunsinte ang ginawa ng hukom na pagbalewala sa batas at paggamit ng Padrino System.
Giit ng kalihim, may tamang paraan at proseso para sa pagpapalaya sa suspek.
Pinuri naman ng DILG ang pulis na ginampanan ang kanyang tungkulin.