Manila, Philippines – Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar ang isang myembro ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Basilan.
Kinilala itong si Rahim Abdul alyas Amman Kabalu na naaresto sa isinagawang law enforcement operation ng Joint Task Force Basilan sa Zone 1 Barangay Kampurnah Isabela City Basilan.
Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Capt Jo-ann Petinglay alas-3:40 ng hapon kamakalawa ng maaresto si Abdul.
Si Abdul ay may patong sa ulo na 1.3 milyong piso.
Sinabi naman ni Brigadier General Juvymax Uy, ang commander ng Joint Task Force Basilan na si Abdul ay itinuro ng mga sibilyan sa lugar kaya naaresto ng mga awtoridad.
Nakuha sa pag-iingat nito ang isang fragmentation grenade.
Sa ngayon nasa Basilan Porvincial Police Office na ang naarestong terorista.