HULI | 13 indibidwal, arestado sa isinagawang Anti-Criminality Campaign ng MPD sa iba’t ibang lugar sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang13 indibidwal matapos na magsagawa ng Anti-Criminality Campaign ang pulisya sa magkahiwalay na lugar sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, ang 13 indibidwal ay naaresto sa Pandacan, Tondo, Sta. Cruz at Sampalok, Manila dahil sa pinaigting na kampanya ng MPD kontra sa iligal na droga.

Karamihan sa mga naaresto ay mga dati ng gumagamit ng shabu at ang iba naman ay mga miyembro ng Sigue-Sigue Comando at Sputnik Gang na nasakote sa isinagawang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng MPD.


Narekober ng pulisya ang 17 sachet ng pinaghihinalaang shabu, at marked money na ginamit ng MPD sa isinagawang buy-bust operation.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa ng MPD sa Manila Prosecutors Office laban sa mga suspek.

Facebook Comments