Manila, Philippines – Arestado ang isang 17-anyos na binatilyo matapos gahasain ang kanyang nakabatatang kapatid at pagtangkaang halayin ang kanilang ina sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.
Kwento ng ina na si alyas ‘Nina’ – nagbanta ang kanyang anak na si alyas ‘Carlo’ na papatayin silang mag-iina kapag nagsumbong sila sa awtoridad.
Dagdag pa ni alyas ‘Nina’ – unang nagtangka ang anak noong isang taon habang siya ay natutulog.
Pero mas masakit sa ina na nitong linggo lamang niya nalaman ay hinalay na pala ng suspek ang 10-taong gulang nitong babaeng kapatid.
Aminado ang suspek na gumagamit siya ng Ilegal na Droga.
ilalagay muna sa kustodiya ng DSWD ang suspek na posibleng makasuhan ng rape.
Facebook Comments