HULI! | 19 na dayuhan na sangkot sa large-scale criminal syndicate, arestado ng BI

Muntinlupa City – Inaresto ng immigration operatives sa Muntinlupa City ang labing-siyam na foreign nationals na sangkot sa drug trafficking at call center fraud.

Labing-anim sa mga naaresto ay Thailand nationals na undocumented aliens.

Mismong ang Royal Thailand Police ang nagtimbre sa Bureau of Immigration (BI) kaugnay ng operasyon ng sindikato.


Kasama rin sa mga naaresto ang tatlong Taiwanese nationals kabilang na ang isang alyas Wu Chang Long na ring leader at wanted sa Taiwan dahil drug trafficking.

Ang mga naarestong foreign fugitives ay nakatakdang isailalim sa inquest proceedings, at sila ay pansamantalang ikukulong sa BI Detention Facility sa Taguig City habang inihahanda ang deportation proceedings.

Facebook Comments