Valenzuela City – Kalaboso ang dalawang babae matapos mahuli sa ikinasang entrapment operation makaraang ireklamo ng panloloko ng mahigit 20 katao sa Valenzuela City.
Sa ulat, sinasabing inaalok ng mga suspek na sina Elizabeth Mendoza at Jocelyn Madera ang kanilang mga nabibiktima ng trabaho sa Japan kapalit ng malaking sweldo.
Nabatid na hihingan ng fee ang mga biktima at kapag nakapagbayad na sila ay biglang magtatago ang mga suspek.
Ilan sa mga nabiktima ng dalawa ay pawang galing sa Valenzuela, Baguio, Tarlac at Pangasinan.
Trabaho daw sa isang sakahan sa Japan ang iniaalok ng dalawa sa mga biktima na may P75,000 hanggang P80,000 na sahod.
Facebook Comments