HULI! | 2 kabataan, timbog sa marijuana sa QC

Quezon City – Timbog ang dalawang kabataan matapos mahuli sa akto ng mga otoridad na nag-aabutan ng marijuana sa kanto ng Judge Jimenez at F. Manalo Street sa Quezon City.

Isa sa mga naaresto ay 18 taong gulang na isang mag-aaral na nasa grade 9 na.

Ayon sa mga otoridad, sa pamamagitan ng facebook messenger nakakausap ng suspek ang kanyang mga parokyano na pawang mga kabataan at estudyante rin.


Narekober mula sa kaniya ang apat na sachet ng marijuana kung saan ang suspek ay dati nang sumailalim sa juvenile rehabilitation noong siya ay 15 taong gulang pa lamang.

Dinampot din ang binatang bumili sa suspek ng marijuana at napag-alamang sangkot pala ito sa robbery-snatching.

Facebook Comments