HULI! | 2 pang African na nagpanggap na Guatemalans, nahuli ng BI

33

Manila, Philippines – Dalawa pang Africans na Europe-bound na pumasok sa bansa ang naaresto ng Bureau of Immigration sa NAIA.

Ayon sa BI, ang naturang Africans ay gumamit ng pekeng Guatemalan passports at balak nilang magtungo sa Germany mula sa Pilipinas via Taipei.

Sila ay nakakulong na ngayon sa Immigration detention facility sa Bicutan, Taguig dahil sa paglabag sa Philippine immigration laws.

Kinilala ang mga nadakip na Cameroonians na sina Dorine Clarisse Madzo Chedjou, at Mfamy Garcia Jefferson.

Facebook Comments