Manila, Philippines – Iprinisenta ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang tatlong biktima ng illegal recruitment sa tanggapan ng DOLE matapos na maaresto ang Arabian national na nakakulong na ngayon sa Dumaguete City.
Ayon kay Bello, pinangakuan umano sila ng Arab National na madali raw silang makakaalis at wala pa umanong isang buwan ay makakalipad na sila patungong Saudi Arabia.
Naaresto ang Arab National sa isinagawang entrapment operation ng mga otoridad ang suspek na si Emad Hussein Hamdang, Arab national, matapos na pangakuan nito ang mga biktima na sina Sarah Fean Fabros, Jenypher Alcoran, at Maria Gracel Sarao kapwa taga-Dumaguete na madaling makaaalis agad patungong ibang bansa.
Paliwanag ni Bello, hinahanap din nila ang mga kasabwat ng suspek dahil naniniwala ang kalihim na hindi umano makakikilos ang suspek ng mag-isa lamang na mambiktima ng mga Filipino na planong mangibang bansa.
Umapela rin ang kalihim sa mga nabiktima ng illegal recruiter na dapat ituloy nila ang kanilang reklamo dahil kapag naisampa na umano sa korte ay biglang nawawala ang mga complainant.
Ang kaso anila ng Kadamay member na si Jerry Lapado sa Barangay Cacarong, Pandi, Bulacan ay isolated case lamang at ginagawan na umano nila disciplinary action.