HULI | 3 hinihinalaang drug pusher, arestado sa magkahiwalay na lugar sa Pasig City

Pasig – Bumagsak sa kamay ng Pasig Police Station ang tallong hinihinalaang tulak sa ilegal na droga matapos na magsagawa ng buy bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Brgy Pinagbuhatan at Brgy. San Miguel Pasig City.

Unang naaresto ay nakilalang sina Gerry Tenorio isang mangingisda at Mark Malba walang trabaho na kapwa naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Pinalad Rd., Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Narekober ng Pasig City Police Station Station Drug Enforcement Unit sa dalawa ang 10 pirasong plastic sachets na may lamang shabu at 200 pesos buy bust money.


Panghuling naaresto ay si Rodelio Acosta isang electrician na naaresto sa M. Eusebio Ave., Brgy. San Miguel, Pasig City matapos na magsagawa ng Anti-Crime Operations ang mga operatiba ng Pasig PNP kung saan nakuhanan ng isang plastic sachet na may lamang shabu ang suspek

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa ng pulisya laban sa tatlong mg suspek.

Facebook Comments