Caloocan – Tatlong lalaki, kalaboso matapos masitang nagsusugal at mahulihan pa ng iligal na droga sa Caloocan.
Kalaboso ang tatlong lalaki matapos na masitang nagsusugal at mahulihan pa ng shabu sa Barangay 178, Caloocan City.
Nakilala ang mga nadakip na sina Eduardo Bartolo, Marcelo Romero at Jesus Panlilio.
Ayon sa Police Community Precinct (PCP) 5, nagpapatrolya sila ng maaktuhang nagsusugal ng cara-cruz ang mga suspek.
Habang kinukumpiska ang mga panaya at kagamitan nakita ng mga pulis ang tatlong pakete ng shabu na pilit pang itinatago sa secret pocket ng kanilang pantalon.
Aminado ang mga suspek na gumagamit sila ng iligal na droga pero itinangging nagbebenta sila nito.
Facebook Comments