Laguna – Arestado ang tatlong miyembro ng gun for hire group matapos ang ikinasang anti-illegal drug operation ng San Pablo City PNP sa Barangay I-C San Pablo City Laguna kahapon ng hapon.
Ayon kay PNP CALABARZON Regional Director Police Chief Supt Guillermo Eleazar, alas-5:30 ng hapon kahapon ng isagawa ang operasyon.
Sa operasyon naaresto sina Rodolfo Bombilla alyas bunso 31 anyos na kabilang sa Drug Watch List ng San Pablo City at Gun for Hire.
Christopher Pasco alyas Cris 40 anyos kabilang rin sa Drug Watch List ng San Pablo City at Gun for Hire.
Ferdinand Lasam alyas Macoy 37 anyos kasama rin sa Drug watchlist, gun for hire activities at sangkot sa serye ng insidente ng pamamaril sa San Pablo City.
Nakuha sa mga suspek ang walong piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu, ibat ibang drug paraphernalia, 2 cal .45 Remington at Armscor, 21 pieces live ammunitions ng cal. 45, 3 pieces magazine ng cal. 45, 1 hand grenade, at PHP2,080 buy-bust money.
Mga kasong paglabag RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at paglabag sa RA 10591 at RA 9516 (Illegal Possession of Firearms and Explosives) ang isinampang kaso sa mga suspek.