HULI | 4 na snatcher, natimbog sa QC

Quezon City – Timbog ang apat na lalaki kabilang ang dalawang menor de edad na nanghahablot ng mga gamit sa Barangay Bagbag, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Kenneth Carl Burca at Albert Etang at dalawa pang menor de edad.

Ayon kay Police Inspector Roger Molino ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, istilo ng mga suspek na takpan ang kanilang mga mukha gamit ang payong at mag-aabang ng kanilang bibiktimahin.


Tinatarget aniya ng grupo ang mga pasahero ng mga jeepney na gumagamit ng cellphone.

Nasampahan na ng kasong attempted robbery ang apat na suspek.

Facebook Comments