HULI | 5, arestado ng NBI matapos salakayin ang isang prostitution ring sa Makati

Makati City – Arestado ang limang katao matapos salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang prostitution ring sa Makati City.

Ikinasa ng mga operatiba ng NBI Anti-Human Trafficking Division ang operasyon sa isang bahay sa Barangay Palanan na ginagawa umanong showroom ng mga babaeng ibinubugaw.

Ilan sa mga nahuli ay nakilalang sina Alfredo Valenzona, Agustin Ramirez, Edwin Bayona, Richard Cahusay at Charlie Quiobe.


Isinagawa ang raid matapos tanggapin ni Bayona ang P4,000 bayad ng mga dayuhan at operatibang nagpanggap na kostumer.

Aabot naman sa 28 na kababaihan ang nasagip sa operasyon at inaalam pa kung may menor de edad sa kanila.

Facebook Comments