HULI | 5 indibidwal, naaresto ng NBI dahil sa iligal na droga at paglabag sa COMELEC gun ban

Cavite – Sa bisa ng search warrant na ibinaba ng Bacoor, Cavite Regional Trial Court branch 89, naaresto ng pinagsamang pwersa ng National Bureau of Investigation, at Philippine Drug Enforcement Agency ang “NANAD group” na kilalang nag-ooperate ng drug trade sa Cavite at Pasay City.

Sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa isang subdivision sa Cavite, naaresto ang mga suspect na sina Maynard Alfaro, dating barangy Chairman sa Pasay City; at mga kapatid nitong sina Jonathan Alfaro; at Archie Alfaro.

Arestado rin ang dalawang kasamahan nila na sina Romeo Laurenaria Jr., at Henry Moyano.


Nakuha mula sa mga ito ang 1 kalibre 40 na pistol, glock 23 pistol, mga drug paraphernalia, ilang sachet ng iligal na droga, mga ID at mga bala.

Mahaharap sa patung-patong na kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act, paglabag sa Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code.

Facebook Comments