HULI! | 6, arestado sa buy-bust operation sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang anim na indibidwal sa P. Ocampo Street, kanto ng A. Mabini Street, Malate Maynila, makaraang magkasa ng drug buy-bust operation ang Manila Police District (MPD).

Kinilala ang mga suspect na sina, Raymond Swarts, 30-anyos. Jay-R De Leon, 41-anyos; Jomar Perez, 38-anyos; Marvin Areola, 23-anyos; Rodrigo Gallardo, 28-anyos at Ariel Mallillim, 30-anyos.

Na-recover mula sa mga suspect ang 8 plastic sachet ng hinihinalang shabu at dalawang daang piso.


Mahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments