HULI | 74 arestado sa iligal na pangingisda sa Masbate City

Masbate City – Arestado ang 74 na crew ng limang hulbot-hulbot vessels sa bininidad ng Balud, Jintotolo, at Zapatos Islands sa Masbate dahil sa iligal na pangingisda.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), kasama sa nadakip ang mga kapitan ng naturang mga barkong pangisda matapos silang mahuling gumagamit ng Danish Seine Method.

Nakumpiska mula sa mga ito ang kanilang fishing equipment at scare lines fish nets.


Narekober din sa mga ito ang isang kalibre 45 nang magsagawa ng board and search procedure ang mga otoridad.

Ang “Danish Seine” method ay kadalasang ginagamit sa commercial fishing na mahigpit na ipinagbabawal sa Pilipinas dahil nakasisira ito ng mga coral reef, sea grass beds at iba pang lamang dagat.

Kakasuhan ang mga ito ng paglabag sa section 92 ng Republic Act 8550 o mas kilala sa “Fisheries Code of the Philippines”.

Facebook Comments