HULI | American fugitive, arestado ng Bureau of Immigration

*Manila, Philippines – Isang Amerikanong fugitive ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Pangasinan.*

*Kinilala ang naarestong US fugitive na si Larry John St. Clair, 45 taong gulang. *

*Si St. Clair ay convicted sa kasong illegal drugs at gun possession at pinaghahanap ng mga otoridad sa California, USA. *


*Ayon kay ​BI Commissioner Jaime Morente , bagamat nabigyan na ng probation si St. Clair, nagpalabas muli ng arrest warrant laban sa kanya ang US district court sa Eastern California dahil sa paglabag nito sa mga kondisyon ng kanyang pansamantalang kalayaan.*

*Siya ay nasa blacklist order din ng BI dahil sa pag-iingat ng pekeng visa extension stamps.*

*Nagtatago sa Pilipinas si St. Clair mula pa noong 2015.*

Facebook Comments