Quezon City – Arestado ang apat na lalaki matapos mabilhan ng marijuana ng mga pulis na napanggap na buyer sa barangay West Fairview, Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Ruber, Iboy at ang magkapatid na sina Jimmy at Andro.
Ayon kay Chief Insp. Sandy Caparoso, hepe ng Batasan Police-Special Drug Enforcement unit, dalawang linggo nilang isinailalim sa surveillance ang mga suspek.
Depensa naman ni Jimmy, ipangpipiyansa sana niya ang perang kikitain sa kapatid na nakakulong sa Taytay, Rizal.
Aniya, online buyer ang kaniyang parokyano at isang menor de edad ang ginagamit niya para makipagkita sa mga bumibili.
Nakuha sa mga suspek ang 57 sachet ng marijuana na nagkakahalaga ng P50, 000, mga drug paraphernalia at P500 buy bust money.
Facebook Comments