HULI | Apat na tao, arestado sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang apat na suspek na responsable sa sunod-sunod na nakawan ng motorsiklo sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Tayuman Police Community Precinct Commander Inspector Ness Vargas, pitong beses nang nagnakaw ng mga motorsiklo ang mga suspek sa iba’t-ibang lugar sa Tondo kung saan apat ay nakunan ng CCTV camera.

Aniya, modus ng mag-live in partner na gumamit ng master key para agad na makuha ang motorsiklo habang ipapabenta ang mga ito sa dalawa nilang kasamahan.


Nakuha sa mag-live partner ang isang kalibre 45 na baril na kargado ng mga bala habang dalawang patalim ang narekober sa kanilang kasamahan.

Nahaharap ang mga suspek sa patong-patong na kasong paglabag sa new anti carnapping act at omnibus election code on illegal possession of firearms and concealing of deadly weapon.

Facebook Comments