HULI | Asawa ng napatay na Malaysian terrorist na si Zulkifli Binhir alyas ‘Marwan’, arestado

Manila, Philippines – Naaresto ng mga otoridad ang asawa nang napatay na Malaysian terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan sa isang raid sa Tubod Lanao del Norte.

Kinilala itong si Juromee Dongon na biyuda rin ng notorious leader ng Abu Sayyaf Group na si Khadaffy Janjalani bago pinakasalan si Marwan noong 2006.

Ayon kay Major General Roseller Murillo, Commander ng Joint Task Force Zampelan, inaresto si Dongon at lima niyang kaanak dahil sa pagtulong at pagbibigay suporta sa ilang mga terror activities group sa bansa.


Nakuha sa bahay ni Dongon ang ilang armas, mga pampasabog at mga sangkap sa paggawa ng bomba.

Nahaharap si Dongon sa kasong illegal possession of firearms and explosive.

Facebook Comments