Isinagawa ngayong araw ang ikaapat at huling public consultation kaugnay pa rin sa kasalukuyang konstruksyon ng road elevation at drainage upgrade sa Dagupan na matatandaang humakot ng iba’t-ibang pahayag at hinaing mula sa mga residente sa lungsod.
Sa ikaapat na pagkakataon, hindi umano pinaunlakan ang imbitasyon ni Chairman on Committee in Public Works and Infrastructures Coun. Alvin Coquia na inaddress sa tanggapan ng City Engineering Office, maging ang tanggapan ng Public Order and Safety Office o POSO Dagupan.
Siniguro naman ng mga ito umano na napapadalhan ang mga ito ng imbitasyon at narereceive ng kawani mula sa kanilang opisina upang matiyak at maging malinaw na kinakailangan ang kanilang presensya sa public hearing upang matalakay ang mga isyung nakapaloob sa nasabing proyekto.
Ilang mga Dagupeños din, partikular ang mga direktang naapektuhan ng proyekto kung saan ang ibang mga kabahayan ay natakpan na ng sobrang taas umanong kalsadahan at hirap na ang mga ito sa nakagisnang pagkilos.
Ang iba pa ay handa umanong maghain ng anumang legal actions upang mapatigil lamang ang proyekto.
Samantala, ang kahabaan naman ng Perez Blvd, MH Del Pilar at AB Fernandez Ave. ay nabigyan na ng Notice to Proceed o sa madaling sabi, maaari nang umpisahan ang mga ito sa konstruksyon din ng pagpapataas ng kalsadahan at pagpapalaki ng mga drainages.

Facebook Comments