HULI! | Babae, arestado matapos pagnakawan ang isang estudyante sa Marikina City

Marikina – Arestado ang isang babae matapos pagnakawan ng cellphone ang isang estudyante sa Barangay Santo Niño, Marikina City.

Kinilala ang suspek na si alyas ‘Susan’, 31-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang biktimang si Omar Solano sa sumulong highway nang maramdaman nitong may tumapik sa kanya.


Dito na niyang nakitang bukas ang kanyang backpack.

Agad naharang ng suspek ng isang concerned citizen.

Nabawi ang cellphone sa suspek at nahaharap sa kasong theft.

Facebook Comments