Cainta, Rizal – Arestado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng miyembro ng isang grupong sangkot sa extortion activity sa Cainta, Rizal. Kinilala ang suspek na si Jai Sunshine Chua na pinaniniwalaang sangkot sa pagdukot sa isang lalaki sa Ususan, Taguig City noong Pebrero. Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin – nagpanggap na mga tauhan ng PDEA ang mga suspek at pinalabas na lehitimong operasyon ang pagdakip nila sa biktima. Sa salyasay ng misis ng kidnap victim, hiningian daw siya ng P50,000 ng mga suspek na kung hindi maibibigay at tataniman nila ng iligal na droga ang kanyang asawa. Patung-patong na kaso naman ang kakaharapin ni Chua kabilang ang carnapping, kidnap for ransom, robbery, usurpation of authority, illegal possession of firearms and ammunition, cybercrime at brigandage. Nananatili namang at-large ang iba pang miyembro ng grupo na sina Ryan Bonn Singson Dela Cruz, Glenn Santiago, Aristotle Tuaan Quintania, Jr Ordonez, Anthony Ordonez, Michael Corpuz, Junjun Patawi, Patrick Amit at Hernando Llaguno.
HULI | Babaeng sangkot umano sa pandurukot sa Taguig City, arestado
Facebook Comments