HULI | Barangay kagawad na tatakbong kapitan, arestado sa drug buy bust operation sa Santiago City, Cagayan

Cagayan – Arestado ang isang barangay kagawad na kakandidatong kapitan sa darating na eleksyon sa Santiago City, Cagayan.

Nakilala ang nadakip na si barangay kagawad Eugenio Gener De Leon, na isang high value target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP.

Nasakote ang kagawad sa drug buy-bust operation kung saan nakuha sa kaniya ang dalawang sachet ng shabu at P5,000 na marked money.


Nabatid pa na nakapaghain na ng Certificate of Candidacy (COC) sa posisyong barangay kapitan ng Mabini ang suspek.

Facebook Comments