HULI | Barker, timbog matapos dukitin ang cellphone ng isang babae sa Makati City

51

Makati City – Timbog ang isang barker matapos dukutin ang Iphone X ng babaeng biktima na naglalakad sa Northbound lang ng EDSA sa Barangay Dasmariñas, Makati City.

Kinilala ang suspek na si Brian Suarez na nakatira sa Pasay City.

Ayon sa biktima na si Jelyne Briones, naglalakad siya malapit sa Ayala MRT Station nang banggain ng isang lalaki.

Hindi niya naramdaman na nakuha na pala ang kanyang cellphone at mabuti nalang napansin ito ng napadaang conductor ng bus at nagsisigaw para makakuha ng atensyon.

Saktong may pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakabantay sa malapit sa lugar at naaresto ang magnanakaw kung saan nabawi din ang cellphone ng biktima.

Facebook Comments