HULI! | Colorum na van na nakuhanan pa ng mga gamit ng pulis – huli sa operasyon ng I-ACT sa Maynila

Manila, Philippines – Isang colorum na van ang nasita sa isinagawang operasyon ng Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT sa Maynila.

Pumapasada ang van na may plakang UPY 422 nang maharang ito ng mga tauhan ng I-ACT.

Nang inspeksyunin, nakita sa loob ng sasakyan ang mga PNP commemorative plate, police uniform at hindi lisensyadong two-way radio.


Pinapa-imbestigahan na ng I-ACT at PNP-HPG ang insidente.

Samantala, hindi rin nakaligtas sa operasyon ang isang barangay chairman na nahuli naman dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo na naka-tsinelas lang.

Nakiusap pa siyang huwag nang tiketan pero hindi siya pinagbigyan ng mga otoridad.

Facebook Comments