HULI | Company driver na nagpaputok ng baril, arestado

Makati – Inaresto ng mga operatiba ng Makati City Police Station ang isang Company driver matapos na magpaputok ng baril sa JP Rizal Extension, Brgy. Riverside malapit sa Guadalupe Ferry Station Brgy. Cembo Makati City.

Kinilala ang suspek na si Federico Alcala 54 anyos residente ng Guiho Extention Brgy. Cembo Makati City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Makati PNP habang nakaduty ang mga police sa lugar napansin nila ang suspek na nagpaputok ng baril na ikinabahala ng mga residente roon.


Agad dinampot ang suspek bagamat mayroong lisensiya ang kanyang baril na kalibre 45 ay walang naman itong permit to carry firearms.

Paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearm at Alarm and Scandal ang kasong isinamapa laban kay Alcala y Matulac, 54 years old, married, company driver, at nakatira sa 206 Guiho Extension, Brgy. Cembo, Makati City.

Facebook Comments