![ARESTADO-KULONG-REHAS-1-1](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2018/08/ARESTADO-KULONG-REHAS-1-1.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Taguig City – Arestado ang isang construction worker sa Taguig makaraang magsagawa ng anti-criminality operation ang Taguig Police sa Purok 5 malapit sa C6 Road, Napindan, Taguig City.
Kinilala ang suspect na si Rodel Dela Paz, 36-anyos at residente rin ng naturang lugar.
Na-recover mula sa pangangalaga nito ang 17 plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Dinala na sa PCP 5 ang suspect na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments