HULI | Dalawa, arestado sa anti-drug operation sa Quezon City

Quezon City – Natimbog ang dalawang drug suspect matapos mahulihan ng shabu sa isang buy bust operation sa Harvard Cor. Columbia, Bargy E Rodriguez Cuba QC.

Pasado alas-dose kaninang madaling araw nang makuwelyuhan sina Crisanto Vergara at Jeommel Tabuac matapos bentahan ng shabu na nagkakahalaga ng 500 pesos ang isang pulis na umaktong poseur buyer.

Nakuha sa mga suspect ang walong piraso ng sachet ng shabu at limang piraso ng tig isandaang pisong buy bust money at tricycle na ginagamit ng dalawa sa kanilang transaksyon.


Facebook Comments