HULI | Dalawang babae, nahulihan ng shabu sa loob ng sementeryo sa Manila

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Station 3 ng MPD ang dalawang babae matapos na magsagawa ng buy bust operation sa loob ng Manila North Cemetery sa Blumentritt Street Sta. Cruz Manila.

Nakilala ang mga biktima na sina Maria Clara Bascon 30 anyos residente ng Briliante Street 6th Avenue Caloocan City at Imelda Cordeta 51-anyos residente ng Blumentritt Street Sta.Cruz Manila.

Ayon kay PO3 Christopher Jacinto nagpanggap na bibili ng shabu ang kanyang kasamahang pulis sa halagang 500 piso sa loob ng naturang sementeryo at nang iabot na ng pulis ang mark money sa mga suspek ay agad na dinakma at pinosasan pagkatapos ay dinala sa himpilan ng pulisya.


Narekober sa mga suspek ang pitong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu at 500 buy bust money.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa ng mga pulis laban sa dalawang babaeng adik.

Facebook Comments